Monday, October 27, 2008
Hypertension
Ang blood pressure na mataas kaysa 140/90 ay masasabi na nating high blood. Mahirap ang may high blood pressure. Puersado ang puso natin na magbomba ng dugo sa ating katawan. Ang puso ay isa rin muscle. Pag laging pwersado ay lumalaki gaya ng mga braso ng weightlifter. Kapag lumaki ng lumaki ang puso kukulangin na ito ng supply ng oxygen buhat sa dugo. Sa umpisa ay kaunting pananakit ang nararamdaman ito ay tinatawag na angina pectoris. Kapag tuluyan nagkulang ang supplu ng oxygen uuwi ito sa matinding sakit ng dibdib na mamataymatay ang pakiramdam at pinagpapawisan. Atake sa puso na ito at kailangn madala agad sa ospital.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment