Ang mga mababasa mo rito ay mahalaga para laging ligtas tayo sa sakit. Di tayo dapat magkasakit sabi nga ng commercial.
Ang pangkaraniwan sanhi ng pagkakasakit ay ubo at sipon. Mga 80 porsiento ito ng sanhin ng pagpapakonsulta sa doctor. Kapag ito ay napabayaan uuwi ito sa bronchitis, pulmonya, o impeksyon ng tainga.
Ang ordinaryong ubo kalimitan ay di lumalampas ng 5 araw at ito ay kusang gumagaling kaya pag lumampas ng limang araw ang ubo o sipon mo kailngan mo na ang tulong ng Doktor.
Huwag din naman masyado maaga magpadoktor kailangan din ng ating immune system ang exercise kaya di tayo dapat naka antibiotic agad liban lang kung talagang malala agad ang tama ng sakit.
Iwasan natin ang magkaubo o sipon. Ang ilan sa paraan ay paglayo sa mga may ubo, sa karamihan ng tao, at kailangan maghugas ng ilong. Ang ilong ang daanan ng mikrobyo papunta sa baga. Tayo ay humihinga ng mga 16 - 20 beses kada minuto. Kada hinga mo ay maaring may dalang mikrobyo kaya dapat huhugasan palagi ang loob ng ilong. Gawin ito tuwing gabi at tuwing mangangati ang ilong.
Tandaan: Huwag palampasin ng limang araw ang ubo. Magpatingin ka na.
Maari kayong magtanong o mag-iwan ng comment or mag suggest ng topic.
More on next blog.
No comments:
Post a Comment