Monday, October 27, 2008
Urinary tract Infection (UTI)
Ang Urinary Tract Infection o UTI ay infection sa daanan ng ihi, mula sa kidney hanggan sa may labasan. Iba iba nag nararamdaman kung saan ang dako ng infection. Kapag ito ay nasa may labasan ang tawag dito ay urethritis at ang nararamdaman ay masakit pagdumadaloy ng ihi. Kapag naman ang infection ay nasa pantog na, ang tawag dito ay cystitis. Ang nararamdaman naman ay masakit pagkatapos ng ihi o sa umpisa ng ihi o kaya naman ay laging maiihi. Ang dalawang yan ang tawag ay lower urinary tract infection. Pag yan ay napabayaan aakyat yan dadaan sa ureter papunta sa kidney mismo. Upper urinary tract infection na ang tawag dyan at medyo malala na. Nariyan na ang sobrang sakit ng tagiliran at kung nakarating na sa kidney magkakaroon na yan ng lagnat at iba pang symptoms gaya ng suka, sakit ng tiyan, masakit na tagiliran at iba pa.
Hindi lang UTI ang may ganitong symptoms kaya dapat na tayong magkunsolta sa ating doctor bago dumating ang infection sa kidney. Huwag tayo basta iinom ng gamot kasi marami na ang microbyo na resitant sa mga antibiotic. Di dapat ginagamit sa self medication ang antibiotic.
Pag masakit ang likod mo, baka iyan ay infection na sa kidney o baka naman tumatanda ka na.
See you later!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi po .. last week lng sumakit un kanang tagiliran ng tyan q ksama pati kanan tagiliran ng likod q. and nagsu2ka aq .. so nagdecide aq na pumunta sa hospital para magpa check up. kinuhaan lng po aq ng urinalysis.. and and lumabas is my UTI daw pu aq 8-12 daw . nresetahan lng aq antibiotic and pain killer . normal lng ba sa UTI ang ganun?
Post a Comment